State of Emergency
We are no under a state of emergency.
Ako ay nagdeklara ng state of emergency dahil sa maliwanag na banta sa republika na ating napigilan. May ilang sumubok at lumihis sa civil at matatag na rehimen ng saligang batas. Nabuwag ang tangkang ito. Kasama sa pagkilos natin ang pagdakip sa militar at sibilyan sna makakasangkot at hindi palalampasin ang nagbibigay ng salapi at suporta sa pag aalsa. Napigilan nanatin ang mga tangka maliban sa ilang tumilawag nasa pwesto. Ang lahat ng militar hanggang sa mga battalion ay nananatiling nasa chain of command. Bilang commander in chief, kontrolado na ang situasyon. Katatapos ko lamang pulungin ang aking gabinete na nagkakaisa ang loob. Nanawagan ako sa lahat pamahalaang lokal patuloy na maglingkod. Hindi dapat mailagay sa panganib ang taong bayan. Samantala, pinauubaya ko a AFP at PNP ang nararapat na pagkilos. Maguulat naman ang DFA sa mga embahada. At sa mga nagbabalak sirain ang kapayapaan ay babagsak sa inyong pagtataksil ang bigat ng batas. Pinahahamak ninyo ang mahihirap at ang bansa bilang kuta ng pagkakaisa, pagmamalasakit, at kahusayan sa mundo. Kinakalas ninyo ang ekonomiya sa matatag na sambayanan. Panawagan naman sa ating mag kababayan na maging mahinahon. Sa Media, iulat ang sangayon sa tungkulin sa bayan at wag palagpasin ang nakakasamang alingasngas na nakakasama. Salamat sa pananalig sa bayan at sa ating magandang hinaharap. Pagpalain nawa ng Diyos ang ating Sambayanan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home